top of page
Search
Writer's pictureZY SHOP

KWENTONG TAGUMPAY WITH ZY NI MACEL CRISPINO

Bata pa lang ay pinaglalako na si Maricel Crispino ng lola nya ng meryenda—kamoteng kahoy, banana cue, at kamote cue. Naranasan nya rin magtinda ng mga ihaw ihaw at halo-halo kapag tag-init. Naaalala nya pa na nahihiya syang magbenta noon dahil ang mga kaedaran nya ay naglalaro lang at abala sa ibang bagay. Ngunit, sa pagbabalik tanaw ni Maricel, napagtanto nyang paghahanda pala iyon sa kanyang pagiging entrepreneur ngayon. Nung sya ay OFW na sa Saudi ay naghahanap sya ng investment na pwedeng mapuntahan ng kinikita nya bilang assistant nurse. Limang beses syang sumali sa mga networking companies pero walang pinuntahan ang pera nya. Ayon kay Maricel, sa una lang sya kumita ngunit hindi rin nagtagal. Hanggang sa nabasa nya sa comments section ng video ni Chinkee Tan ang tungkol sa Zy Shop. Kahit na maraming pumalyang investment si Maricel, ay naiiintindihan nya na kailangan iyong daanan para mas lumakas pa ang loob nya sa mga tatahakin nyang negosyo. Kakaunti pa lang ang myembro ng Zy Shop nung sumali sya noong 2019. Nagulat sya na mismong ang may-ari ng kompanya ay hands-on at nakikipag-usap sa mga nagpapa-myembro. Dito sya kumuha ng inspirasyon kaya sya mismo ay ginustong maging inspirasyon para sa kapwa nya mga OFW. Sa kasalukuyan ay isa na rin sya sa mga Gold Member at proud sya na isa sa kanyang distributor ay Gold Member na rin. Sa kanyang tagumpay ay gusto nyang isama ang iba pang OFW. Pangarap ni Maricel na mag-retiro pagkatapos ng limang taon para hindi na sya “mag-trabaho para sa ibang tao” tutal, ayon sa kanya, ay malapit na nyang makamit ang financial freedom dahil sa kanyang pagnenegosyo kasama ang Zy Shop.






45 views0 comments

Comments


bottom of page