top of page
Search
Writer's pictureZY SHOP

KWENTONG TAGUMPAY WITH ZY

Hindi naging hadlang na minsan nang ma-scam ng Php30k si Gina Dalosa sa kagustuhan nyang makapagsimula ng business. Inutang lang nya noon ang pinambayad dito ngunit wala syang nakuha ni isang produkto. Dalawang linggo ang nakalipas, nakilala nya ang Zy Shop at sumugal sya ulit ng inutang na halaga para makabili ng isang set ng mga damit upang ibenta sa Pilipinas. Inspirasyon diumano nya ang mga anak nya na hindi sinasayang ang pinaghirapan sa pagta-trabaho bilang caretaker sa Taiwan simula pa noong 2005. Kahit pa gold member na sya ngayon, o ‘yung may marami nang naibentang mga produkto ng Zy Shop, patuloy pa rin sa pagkayod ang Super Mom ng Samar, at kahit na umuusbong na ang ‘di mabilang nyang business sa Pilipinas—apparel, alahas, at mga relo, ay hindi pa rin sya madalas mag-day off sa trabaho dahil nanghihinayang sya sa sasahurin nya na maaaring idagdag pa sa negosyo. Isang ehemplo si Gina ng ibang Zysters sa Zy Shop hindi lang dahil sa taglay na prinsipyo, kundi sa pagiging ulirang ina sa kanyang dalawang anak na tinataguyod nya pa rin kahit na pinipilit sya ng mga ito na umuwi na ng bansa. Ito ang kwento ni Gina Dalosa, isa sa mga katuwang ng Zy Shop sa pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga kapwa nya Fiilipina entrepreneur. Para sa iba pang detalye, mag-like lamang at mag-subscribe sa mga social media accounts ng Zy Shop. At kung interesado ka na magkaroon ng negosyong hindi ka bibiguin, mag-text lang at tumawag sa 09058809339 .





23 views0 comments

コメント


bottom of page